Ang Kasaysayan ng Narsing sa Pilipinas
Alexis Maxinne Bando BSN1- 11G Ang narsing ay ang larangan ng pag-aaral at paglilingkod bilang isang nars o dalubhasang tagapag-alaga (o tagapangalaga) ng maysakit. Isa itong trabaho at propesyong nakatuon sa pagtulong sa mga indibidwal, mga mag-anak, at mga pamayanan upang makamit, mapanatili, at manumbalik ang mataas na antas ng kalusugan. Sa makabagong kahulugan ng narsing o pangangalaga, ito ang agham at sining na nakatuon ang pansin sa pagtataguyod ng kalidad ng buhay ayon sa kahulugan mula sa mga tao at mga mag-anak, sa kabuuan at kahabaan ng kanilang mga karanasan sa buhay magmula sa pagsilang hanggang sa pagiging isang alaga sa panahon ng kanilang kamatayan o huling panahon ng buhay. Ginagawa ng isang nars ang pagsasakatuparan ng mga pangangalaga ng makatarungan, na kinabibilangan ng paggawa ng mga nakasaad sa isang plano ng pangangalaga ng ibinatay mula sa unang pagsusuring pang pangangalaga, na nakabatay naman sa isang espesipik...